Gina Lopez naging drug dependent at may problema sa pag-iisip kaya hindi nakalusot bilang DENR Secretary – Sen. Lacson

0
ping gina

Naging drug dependent at may problema sa pag-iisip.

Ito ang dahilan kaya hindi pinaboran ng Mayorya ng mga miyembro ng Commission on Appointments ang Environmentalist na si Gina Lopez para maging kalihim ng DENR.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson may mga dokumento na magpapatunay na may problema sa pag-iisip si Lopez dahil sa umano’y pagiging drug dependent nito.

Hindi niya inilabas ang report dahil ayaw niyang dagdagan pa ang pagkakapahiya ni Lopez lalo at ni reject na ng CA ang kaniyang appointment.

 “It’s all in the Internet. Naroon naman ang GR number. Pag binasa mo GR number, meron talagang doubt as to the qualifications ni Ms Gina. Kasi nabanggit doon di siya nagpasailalim sa psychiatric test kasi nga tumakas siya sa rehab center. Nang bumalik siya, age of majority na, so ruling ng SC doon naging moot and academic kasi wala nang jurisdiction ang parent. Pero naka-hang ang question doon, dahil nga hindi siya nag-undergo ng psychiatric examination, may question tungkol sa pagiging drug dependent and/or personality disorder”. – Sen. Lacson

Katunayan, sa deliberasyon kay Lopez sa CA, hindi nito masagot ang simpleng tanong kung ano ang physical watershed area.

Sabi ni Lacson napilitan siyang ilabas ang impormasyon para patunayang hindi siya tumanggap ng anumang lobby money gaya ng alegasyon ng Pangulo.

Ang oposisyon, hinimok ang CA na imbestigahan na ang alegasyon na nasuhulan umano ang mga miyembro nito para harangin ang ad interim appointment ni Lopez.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, nalalagay sa balag ng alanganin ang integridad ng komisyon dahil sa alegasyon ng Pangulo.

Pinuna rin ni Lacson si Senador Francis Pangilinan na ginamit pa ang mga kasamahan sa oposisyon para palitawing solido sila ng suporta kay Lopez.

Ayaw namang idetalye ni Lacson ang resulta ng botohan, pero may nagsisinungaling aniya sa walong Senador na tumayo at nagsabing suportado si Lopez.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *