Hokkaido, Japan, niyanig ng 5.9 magnitude na lindol

0

 

Binulabog ng magnitude 5.9 earthquake ang isla ng Hokkaido sa Japan.

Batay sa US Geological Survey (USGS), natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 107 kms sa Hilagang-Silangan ng Shibetsu.

May lalim ang lindol na 8 kilometro o katumbas ng limang milya.

Mababa naman ang tsansa na magkaroon ng casualties o kaya’y mga pinsala bunsod ng lindol.

Nitong Setyembre nang gambalain ng 6.6-magnitude quake ang isla, na ikinamatay ng mahigit 40 katao.

 

==============

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *