Iba’t ibang media group nagpahayag ng suporta kay PCO Sec Jay Ruiz

Presidential Communications Secretary Jay Ruiz / Photo courtesy: Presidential Communications Office
Tatlong kilalang organisasyon ng media—ang Justice Reporters’ Organization (JUROR), SOCSKSARGEN Press Club, at Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang nagpahayag ng suporta kay Presidential Communications Secretary Jay Ruiz.
Sa isang pahayag, sinabi ng JUROR—binubuo ng mga beteranong mamamahayag na nakatalaga sa justice beat—matagal na umanong ipinapakita ni Ruiz ang mga katangian ng isang tagapaghatid ng impormasyon na may katarungan, kalinawan, at respeto sa karapatan ng publiko na malaman ang totoo.
Ang karanasan din anila ni Ruiz sa loob ng newsroom at sa gobyerno ay nagbibigay sa kanya ng natatanging kakayahang harapin ang mga hamon ng pampublikong komunikasyon sa panahon ng mabilis at madalas na polarized flow ng impormasyon.
Sa Manifesto of Support naman ng SOCSKSARGEN Press Club, nanawagan sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin si Ruiz bilang pinuno ng PCO.
Una nang nagpahayag ng suporta si PAPI President Nelson Santos na binigyang-diin ang kahalagahan ng kontinwidad sa mga komunikasyon ng pamahalaan, lalo na sa panahong puno ng ingay sa pulitika at presyur mula sa publiko.
Madelyn Moratillo