Ilan pang korte sa Cavite, nagsuspinde ng pasok dahil sa masamang panahon
Walang pasok simula ala-1 ng hapon ngayong Huwebes ang ilang hukuman sa Cavite bunsod ng patuloy na pag-ulan.
Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, pisikal na sarado ang mga korte sa Tagaytay City Hall of Justice, Alfonso, at Silang sa Cavite mula kaninang ala-1 ng hapon.

Ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon sa mga nasabing lugar.
Pero, puwede namang ma-contact ang mga korte sa kanilang official hotlines at email addresses.
Una nang nagsuspinde ng pasok ang Bacoor City MTCC dahil naman sa pagbaha sa lugar.
Moira Encina