Ilang lugar sa Valenzuela at Parañaque may water interruption simula mamayang gabi

0

Mayroong pito hanggang walong oras na Water service interruption ang Maynilad sa bahagi ng Valenzuela city at Parañaque city.

Sa abiso ng Maynilad simula mamayang alas 10:00 ng gabi  hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Karuhatan, Marulas at Parada sa Valenzuela city.

Alas 10:00 naman ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Merville at Moonwalk sa Parañaque.

Inabisuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-ipon ng tubig na kanilang kakailanganin para sa nabanggit na mga oras.

 

=============

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *