Ilang mga Barangay sa Calamba City, Laguna, binaha sanhi ng bagyong Ofel

FB_IMG_1602716849529

Binaha ang ilang mga Barangay sa Calamba city, Laguna sanhi ng pananalasa ng Tropical Depression Ofel.

Gutter deep ang pagbaha kagabi sa mga Barangay Parian, Bucal at Lawa.

Ilang mga residente rin ng Barangay Parian ang inilikas dahil sa mataas na tubig-baha.

Patuloy ang paalala ng City Government na gawin ang ibayong pag-iingat at manatiling nakaalerto ngayong may kalamidad.

Jet Hilario