Isinampang reklamo vs. Duterte sa ICC, politically motivated- Pimentel
Tinawag na politicaly motivated ni Senate President Aquilino Pimentel ang crime against humanity na isinampa laban kay Pangulong Duterte at dalawang Senador sa International Criminal Court.
Idinepensa rin ni Pimentel ang mga kapwa mambabatas na sina Senador Richard Gordon at Alan Peter Cayetano.
Iginiit ni Pimentel na ang hindi pagpayag nina Cayetano at Gordon na imbestigahan ang kaso ng extra judicial killings ay hindi nangangahulugang pinagtatakpan nila ang Pangulo.
Nauna nang sinabi ng complainant na si Atty. Jude Sabio na dapat managot si Gordon dahil tinanggihan ng kaniyang komite na imbestigahan pa ang pagbaligtad ni retired Police Supt. Arturo Lascanas sa mga nalalaman sa kaso ng karumal-dunal na pagpatay.
Sabi ni Pimentel lumilitaw na lalo lang pinahina ng complainant na si Atty. Jude Sabio ang reklamo nang idawit sina Cayetano at Gordon dahil kapwa wala silang executive function.
Umaasa si Pimentel na hindi magpapagamit ang ICC lalo na sa mga panloob na usapin ng Pilipinas
Ulat ni: Mean Corvera