Journalist at isang seniro rescue official, kabilang sa namatay sa pag-atake ng Israeli forces sa Gaza

0
ISRAELI STRIKE IN GAZA


Mourners during the funeral of Palestinians killed in Israeli strikes, at Nasser hospital in Khan Younis, southern Gaza on Sunday. Photo: Reuters

Hindi bababa sa tatlompung Palestinians sa magkabilang panig ng Gaza ang namatay sa Israeli military strikes, kabilang ang isang senior rescue service official at isang mamamahayag.

Ayon sa medical staff, ang pinakahuling bilang ng mga namatay sa Israeli strikes ay resulta ng magkakahiwalay na pag-atake sa Khan Younis sa Timog, Jabalia sa Hilaga at Nuseirat sa central Gaza.

Sa Jabalia, namatay ang local journalist na si Hassan Majdi Abu Warda at ilan pang miyembro ng kaniyang pamilya sa isang air strike na tumama sa kanilang bahay nitong Linggo.

Sa isa pang air strike sa Nuseirat ay namatay naman si Ashraf Abu Nar, isang senior official sa civil emergency service, at kaniyang asawa habang nasa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa Hamas-run Gaza government media office, dahil sa pagkamatay ni Abu Warda kaya umakyat na sa 220 ang bilang ng Palestinian journalists na namatay sa Gaza simula noong October 2023.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Israeli military, na ang chief of staff na si Eyal Zamir sy bumisita sa mga sundalo sa Khan Younis nitong Linggo, at sinabi sa mga ito, “this is not an endless war, Hamas has lost most of its assets, including its command and control.”

Sinabi pa ni Zamir, “We will deploy every tool at our disposal to bring the hostages home, dismantle Hamas and dismantle its rule.”

Ang pahayag ay hindi patungkol sa mga pag-atake nitong Linggo.

Sa isang pahayag ay sinabi naman ng International Committee of the Red Cross ICRC, na dalawa sa kanilang staff, sina Ibrahim Eid at Ahmad Abu Hilal ay namatay sa isang pag-atake sa isang bahay sa Khan Younis noong Huwebes.

Ayon sa ICRC, “Their killing points to the intolerable civilian death toll in Gaza. The ICRC reiterates its urgent call for a ceasefire and for the respect and protection of civilians, including medical, humanitarian relief, and civil defence personnel.”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Gaza media office na kontrolado ng Israeli forces ang 77 percent ng Gaza, kung hindi man sa pamamagitan ng ground forces o evacuation orders at mga pambobomba na nasahi upang hindi makauwi ang mga residente sa kanilang tahanan.

Sa magkakahiwalay na statements, ay sinabi ng armed wing ng Hamas at ng Islamic Jihad, na ang mga fighter ay nagsagawa ng ilang pananambang at mga pag-atake gamit ang mga bomba at anti-tank rockets laban sa Israeli forces na nago-operate sa ilang lugar sa buong Gaza.

Noong Biyernes sinabi ng Israeli military na nagsagawa sila ngd agdag pang mga pag-atake sa Gaza sa magdamag, kung saan tinamaan ang 75 targets kabilang ang weapons storage facilities at rocket launchers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *