Ginawang komputasyon sa nanalong party list sa katatapos na eleksiyon kinuwestiyon sa Korte Suprema


Nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang mga nominee ng OFW Party list, para rebisahin ang naging kompyutasyon sa mga nanalong part list s katatapos na halalan.

Ang kinukuwestiyong Banat Formula ng Supreme Court ang ginamit ng Commission on Elections na nagsilbing National Board of Canvassers sa pagkuwenta ng seat ng mga party list na makauupo sa Kamara.
Pero giit ni OFW Partly list Rep. Marissa del mar Magsino ay mali umano sa komputasyon ng NBOC.
Ani Magsino, “Sa Banat, double counting. Nakakuha ka na ng 1 seat, bilangin ulit para sa additional seat, para di kainin nung nasa itaas na mga political party.”
Bagamat una nang nasagot ng COMELEC, iginiit sa petisyon na dapat ay 64 ang alokasyong seat para sa nanalong party list.
Sa kanilang petisyon ay hiniling rin nila na rebisahin ng Korte Suprema ang akreditasyon ng non-marginalized groups na nakapasok sa party list system.
Ayon kay Magsino, “Hindi kami titigil, lalaban hanggang dulo. Laban na ito sa mga laylayan. Dami party list di namin alam sino-sino mga ito. Anong sektor nanalo.”
Madelyn Villar-Moratillo