Justice Sec. Aguirre pinaiimbestigahan sa NBI ang mga paratang laban sa kanya ng gambling operator na si Atong Ang

0
aguirre order

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang NBI na imbestigahan ang mga paratang ng gambling operator na si Charlie Atong Ang laban sa kanya at kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Alinsunod sa Department Order 267 na pirmado mismo ni Aguirre, iniutos din nito sa NBI  na magsagawa ng case build-up sa mga alegasyon ni Ang.

Pinagsusumite rin ng kalihim siNBI Director Dante Gierran ng ulat sa loob ng 15 araw kaugnay sa itinatakbo ng imbestigasyon nito.

Tinukoy ni Ang sina Aguirre at Esperon na na nais siyang ipapatay para makontrol ang operasyon ng Small Town Lottery sa ilang lalawigan

Inihayag ni Ang na may kontrol sa operasyon ngSTL mula Batangas hanggang Bicol ang Justice Secretary at ang kapatid nitong si Ogie Aguirre.

Samantala, itinanggi ni Aguirre ang panibagong akusasyon ni Ang sa kanya na ninong siya ng anak ng kontrobersyal na negosyanteng si Kim Wong.

Si Wong ay idinawit sa ninakaw na pera sa Bangladesh Bank pero inasbwelto ng DOJ.

Ayon kay Aguirre, wala siyang kinalaman sa resolusyon ng DOJ panel na nagbabasura ng reklamong money laundering kay Wong at iginiit na sinungaling si Atong Ang.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *