Kauna-unahang Open Government Partnership (OGP) Fun Run, nilahukan ng apat na libong katao

0
OGP FUN RUN

Aabot sa 4,000 kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at casual runners, ang lumahok sa kauna-unahang Open Government Partnership (OGP) Fun Run sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Layunin ng fun run na maisulong ang transparency, accountability at kolaborasyon para sa bukas na pamamahala at sa budget process.

Ito rin ang panimulang aktibidad para sa 2025 OGP Asia-Pacific Regional Meeting (APRM), na ihu-host ng Pilipinas sa Pebrero 5 hanggang 7 at lalahukan ng 200 international participants.

Ang running event ay binubuo ng three (3) kilometers, five (5) kilometers at 10-kilometer races.

Mapupunta sa Philippine Red Cross ang kita mula sa fun run.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, “Ano po ba yung Open Government Partnership? Ito po yung active participation ng publiko, civil society organizations, lahat ng mga mamamayan sa pamamahala sa gobyerno. Ang talagang ultimate goal kaya po natin ginagawa itong bukas (open) na pamamahala ay para tumaas ang level of trust sa ating gobyerno.”

Philippine Red Cross (PRC) Secretary-General Dr. Gwendolyn Pang

Sinabi naman ni Philippine Red Cross (PRC) Secretary-General Dr. Gwendolyn Pang, “Malaking bagay ito sa Philippine Red Cross, dahil ang proceeds mapupunta sa iba’t ibang humanitarian services tulad ng disaster response, blood service at community resilience.”

Moira Encina-Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *