Ilang lansangan sa Maynila isasara kaugnay ng selebrasyon ng Chinese New Year

Courtesy: Manila Public Information Office FB

Ilang lansangan sa Maynila ang isasara, bukas, Martes, January 28 upang bigyang daan ang selebrasyon ng Chinese New Year.

Alas dose uno ng Jan. 28 ay isasara ang Binondo-Intramuros Bridge, habang alas nueve naman ng gabi isasara ang Northbound at Southbound ng Jones Bridge, kahabaan ng Quintin Paredes Street mula Padre Burgos Avenu hanggang Dasmariñas Street, Jones Bridge, Plaza Cervantes at Binondo-Intramuros Bridge.

Dahil dito, ang mga sasakyang manggagaling sa Reina Regente St., na daraan sa Juan Luna St. Para makarating sa Southbound lane ng Jones Bridge, kailangang kumaliwa sa Plaza Lorenzo Ruiz, pagkatapos ay kanan sa Noberto Ty St., kanan sa Yuchengco St., pagkatapos ay kaliwa sa Ongpin St., patungo sa destinasyon.

Ang mga manggagaling sa P. Burgos Ave./Taft Ave. na daraan sa Jones Bridge, ay dapat dumiretso sa McArthur Bridge o Quezon Bridge patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyan namang magmumula sa Plaza Sta. Cruz na daraan sa Dasmariñas St., ay kakanan sa Q. Paredes St., hanggang sa makarating sa patutunguhan.

Samantala, ang mga sasakyan naman na galing ng Magallanes Drive papuntang Binondo-Intramuros Bridge ay dapat dumiretso sa A. Soriano Ave. hanggang Anda Circle patungo sa kanilang destinasyon.

Kung magmumula sa Muelle dela Binondo-Industria patungong Intramuros Bridge, dapat dumaan sa Madrid St., kumanan sa San Fernando St., patungong Plaza San Ruiz pagkatapos ay kumaliwa sa Q. Paredes St., kanan sa Noberto Ty St., kanan ulit sa Yuchengco pagkatapos ay kumaliwa sa Ongpin papunta sa destinasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *