Korte sa Leyte muling ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal kay PSupt. Marvin Marcos kaugnay sa kasong pagpaslang kay Mayor Espinosa
Muling ipinagpaliban ng Baybay City Regional Trial Court sa Leyte ang pagbasa ng sakdal kay Police Superintendent Marvin Marcos na isa sa mga akusado sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ito ay matapos maghain si Marcos ng petition for review sa DOJ.
Sa june 5 Itinakda ni Judge Carlos Arguelles ng Baybay City RTC Branch 14 ang arraignment ni Marcos.
Si Marcos ang dating direktor ng CIDG Region-8 na sumalakay sa selda ni Espinosa na nauwi sa pagkamatay nito matapos umanong manlaban.
Sa kanyang petition for review, hiniling ni Marcos na baligtarin ang resolusyon ng DOJ panel of Prosecutors na nagsasabing may probable cause para kasuhan sila ng murder, malicious procurement of warrant at perjury.
Unang itinakda ang arraignment ni Marcos noong March 29 pero iniurong ito sa April 26 hanggang sa muling ipagpaliban ng Korte sa Hunyo.
Ulat ni: Moira Encina