Kotse pumaloob sa center island sa Commonwealth Avenue Quezon City
Halos mawasak ang harang ng EEI construction sa intersection sa Commonwealth Avenue Quezon City matapos banggain ng sasakyan.
Pumaloob sa center island ang nasabing sasakyan na naging dahilan ng pagkasira ng bakuran ngEEI construction o ang lugar na pag tatayuan ng MRT7 project.
Ayon sa driver nakatulog siya kaya hindi nya napansin na bumangga na pala siya at pumaloob na sa center island.
Galing siya sa kanyang shift bilang nurse ng mangyari ang aksidente.
Sa lakas ng impact wasak ang harapang bahagi ng kotse.
Maswerte naman ang driver ng sasakyan at hindi siya nasaktan.
Samantala iniimbestigahan na ang nasabing pangyayari para malaman ang naging halaga ng pinsala.
Ulat ni: Earlo Bringas
