Kubo sa ilog sa Navotas na sinasabing batakan ng ilegal na droga giniba ng Peace and Order team Team

Courtesy: Brgy. Nbbs Dagat-dagatan
Giniba ng Brgy. Nbbs Dagat-dagatan Peace and Order Team ang isang kubo sa ilog, na ginagawang taguan at batakan ng ilegal na droga.
Narekober sa nasabing kubo, ang mga paraphernalia, foil, timbangan at plastic na taryahan ng shabu.

Courtesy: Brgy. Nbbs Dagat-dagatan
Hindi naman inabutan ng mga awtoridad ang may-ari ng naturang kubo.
Kaugnay nito ay hinikayat ng mga opisyal ng barangay at mga pulis ang mga residenteng nakatira sa paligid ng ilog, na makipagtulungan at agad isumbong sa mga awtoridad ang mga ilegal na gawain upang hindi magdulot ng panganib sa komunidad at maingatan ang kaligtasan ng kanilang mga anak.
Aldrin Puno