Lahat ng distribution sites ay isinara pagkatapos ng shooting incident ayon sa US-backed Gaza aid group
Sinabi ng isang U.S and Israeli-backed group na namamahagi ng ayuda sa Gaza, na isinara na muna ang lahat ng kanilang distribution sites, at hinimok ang mga residente na huwag lalapit sa kanilang venues “para na rin sa kanilang kaligtasan,” pagkatapos ng isang serye ng mga pamamaril na nagresulta sa pagkamatay.
Ayon sa Gaza Humanitarian Foundation (GHF), na noong isang linggo ay nagsimul nang mamahagi ng pagkain sa nagugutom na mga Palestinian sa loob ng Gaza Strip, i-aanunsiyo na lamang nila ang reopening date.

Palestinians gather to collect what remains of relief supplies from the distribution center of the U.S.-backed Gaza Humanitarian Foundation, in Rafah, in the southern Gaza Strip, June 5, 2025. REUTERS/Stringe
Binuksan ng GHF ang dalawang sites sa southern Gaza nitong Huwebes makaraang isara ang lahat ng kanilang centers nang sinundang araw, dahil nangyaring pamamaril sa lugar ng kanilang operasyon. Nakapag-operate na sila ng apat na distibution centers.
Binaypass ng organisasyon ang traditional relief agencies at binatikos ng humanitarian organisations, kabilang ang United Nations, para sa umano’y hindi nito pagiging neutral na itinanggi naman nito.
Noong Miyerkoles ay inihinto ng GHF ang distribusyon at sinabing pinipilit nito ang Israeli forces na dagdagan ang civilian safety, nang lampas sa perimeter ng kanilang mga operasyon, matapos na dose-dosenang Palestinians ang binaril patay malapit sa Rafah site sa tatlong magkakasunod na araw.

Palestinians gather to collect what remains of relief supplies from the distribution center of the U.S.-backed Gaza Humanitarian Foundation, in Rafah, in the southern Gaza Strip, June 5, 2025. REUTERS/Stringe
Sinabi ng Israeli military na noong Linggo at Lunes ay nagpaputok ang kanilang mga sundalo ng warning shots. Noong Martes naman ay muling nagpaputok ng warning shots ang mga sundalo bago pinaputukan ang mga Palestinian na anila’y lumalapit sa tropa.
Ayon sa GHF, ang ayuda ay ligtas na naipamahagi mula sa kanilang sites nang walang anumang insidente.
Muling pinaigting ng Israel ang kanilang opensiba laban sa dominanteng Hamas militant group sa Gaza, mula nang masira ang dalawang buwang ceasefire noong Marso sa isang giyera na sumiklab dahil sa cross-border attack ng Hamas noong October 7, 2023.