Lisensiya ng pop star na si Justin Timberlake sinunspinde sa isang pagdinig kaugnay ng pagmamaneho nang lasing
Nag-plead ng not guilty ang pop star na si Justine Timberlake, sa reklamong pagmamaneho nang lasing, matapos itong maaresto noong Hunyo sa Sag Harbor sa New York dahil nakita siya ng mga pulis na hindi huminto sa stop sign kundi humarurot pa.
Ayon sa korte, sinuspinde ni Sag Harbor Village Justice Carl Irace ang driving privileges ni Timberlake sa estado ng New York, habang nakapending ang susunod na pagdinig sa Aug. 9.
Screen grab from Reuters FB
Ang pagdinig ay virtual dahil si Timberlake ay nasa Europe para sa isang world tour ng pinakabago niyang album na may titulong “Everything I Thought It Was.”
Sa pagdinig, ay binalaan ng hukom ang abogado ni Timberlake na si Edward Burke, na papatawan ito ng gag order kasunod ng mga komento niya sa press pagkatapos ng naunang pagdinig noong July 26.
Noong Hulyo, sinabi ni Burke na ang singer ay hindi lasing at hindi dapat na inaresto.
Sinabi nito sa mga mamamahayag, “The police made a number of very significant errors in this case. We are very confident that that charge, the criminal charge, will be dismissed.”
Ang 43-anyos na si Timberlake ay inaresto noong June 18 sa bayan ng Sag Harbor sa Long Island, habang minamaneho niya ang isang 2025 gray BMW, ilang sandali bago maghatinggabi.
Screen grab from Reuters FB
Batay sa mga dokumento ng korte, “When stopped by police, Timberlake’s eyes ‘were bloodshot and glassy, a strong odor of an alcoholic beverage was emanating from his breath,’ he was unable to divide attention, he was unsteady afoot and performed poorly on all standardized field sobriety tests.”
Paliwanag ni Timberlake sa mga pulis, isang glass of martini lang ang kaniyang ininom bago siya nagmaneho pero tumanggi ito sa isang breathalyzer test. — Reuters