Mabilis na pagkumpirma sa bagong DFA Secretary ikinatuwa ng Malakanyang
Welcome sa Malacanang ang mabilis na kumpirmasyon ng Commission on Appointments kay incoming Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng Palasyo ang pagsisikap at mga naiaambag ni Cayetano sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado nito kahit noong siya ay Senador pa lamang.
Pinuri naman ni Abella ang tumayong acting Foreign Affairs Secretary na si Enrique Manalo dahil sa mga nagawa niya sa kagawaran sa loob ng maikling panahon.
Samantala, sinabi Abella na mananatili si Manalo bilang bahagi ng diplomatic corps ng bansa.
Sa oras na uupo nang Foreign Affairs Secretary si Cayetano ay babalik bilang DFA Undersecretary for policy at Usec. for ASEAN senior officials meeting si Manalo.
Ulat ni: Vic Somintac
