Magnitude 6.6 na lindol tumama malapit sa Tonga: USGS

Photo c/o eaglnews.ph

Isang magnitude 6.6 na lindol ang tumama sa Tonga ngayong Lunes ayon sa United States Geological Survey (USGS), gayunman ay walang banta ng isang tsunami.

Photo c/o eaglenews.ph

Tumama ng lindol ng alas-9:47 ng umaga (local time) sa lalim na nasa 112 kilometro (69 milya), ayon sa USGS, at ang sentro nito ay nasa ibang bahagi ng karagatan na nasa 198 kilometro (123 milya) hilaga ng Nuku’alofa, kapitolyo ng Tonga.

Wala namang agad na mga ulat ng pinsala.

Photo c/o eaglenews.ph

Ayon sa Pacific Tsunami Warning Cebtre, “It struck near the sparsely populated islands of Kao and Tofua, there is no tsunami threat from this earthquake.”

Kuwento ng isang lokal na residente na si Mary Lyn Fonua na naroon na sa lugar ng kaniyang trabaho sa Nuku’alofa, “The two-storey building I was in swayed strongly for a few seconds. Then we evacuated to higher ground, locals are feeling nervous.”

Karaniwan na ang mga lindol sa Tonga, na isang low-lying archipelago at tahanan ng humigit-kumulang 100,000 katao dahil sa posisyon nito sa Ring of Fire.

Ito ay isang arko na may intense tectonic activity na nasa kahabaan ng Southeast Asia at sa magkabilang panig ng Pacific basin.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *