Malacañang, umatras sa announcement sa mga tatanggaling mataas na opisyal ng gobyerno.
Hindi itutuloy ng Malakanyang ang pagbubunyag sa pangalan ng mataas na opisyal ng gobyerno na sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque makatanggap siya ng text message na pinahold muna ang announcement ngayong araw na ito ng sinasabing opisyal na sisibakin sa puwesto.
Ayon kay Roque wala pang papel na inilalabas ang Office of the President at hindi pa nasasabihan ang opisyal na sisibakin.
Ngayong araw sana papangalanan ni Roque ang opisyal ng gobyerno na sisibakin alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Ulat ni Vic Somintac