Bagyong Agaton, bumilis pa, patungo na ng Palawan

Lalo pang bumilis ang tropical depression Agaton habang tinatawid ang Sulu Sea patungong Palawan.

Ayon sa PAGASA huling namataan ang sentro ng bagyo sa 170 kilometers west ng Dumaguete City, Negros Oriental.

Aabot sa 55 kilometers bawat oras ang lakas ng hanging taglay nito at pagbugsong aabot sa 90 kilometers kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 28 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Nasa public storm warning signal number 1 pa rin ang mga sumusunod na lugar: Palawan kabilang ang Cuyo Island, Guimaras Negros Oriental, Negros Occidental, Southern Antique at Southern Iloilo .

Magdudulot ng malawakang katamtaman ang bagyong agaton at malakas na pag-ulan sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1 gayundin sa Bicol region, Eastern Visayas, Panay Island,Rromblon, at Mindoro provinces.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *