Malvar Batangas niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Malvar sa Batangas.
Naganap ang pagyanig sa 5 kilometers West ng bayan ng Malvar alas 9:18 ng umaga.
Naramdaman naman ang intensity 2 sa Tagaytay City bunsod ng nasabing lindol.
Wala namang inaasahang aftershocks na maaring maidulot bunsod ng nasabing lindol.
Hindi rin inaasahan ng PHIVOLCS na magdudulot ito ng pinsala.