Manlifter sa EDSA-Bagong Barrio busway station southbound pansamantalang hindi magagamit  

0

Courtesy : PIO MMDA

Pansamantalang hindi magagamit ang manlifter sa EDSA-Bagong Barrio Busway Station southbound.

Ito’y matapos na isang elevator sa EDSA-Bagong Barrio Busway Station ang hindi agad bumukas ang pintuan, dahilan para ma-stuck ang mahigit sa 10 pasahero.

Courtesy : PIO MMDA

Sa ginawang imbestigasyon ng technical team, nalaman nila na kaya hindi agad bumukas ang pinto ng elevator ay dahil sa isang plastic cup na nakasingit sa loob ng bukasan ng pintuan.

Bagama’t tukoy na ang sanhi, obligado ang technical team na panatilihing “off-line” ang elevator unit para isailalim sa full diagnostic check.

Courtesy : PIO MMDA

Nagpaalaala naman ang ahensya sa publiko, na huwag mag-iwan ng basura sa elevator upang hindi makaperwisyo sa mga kapwa commuter, at matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Manny De luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *