Ika-78 anibersaryo ng Philippine Air Force, pinangunahan ni PBBM

0

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang selebrasyon ng ika-78 anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Kasama nyang dumalo sa pagtitipon si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro.

Ipinagmalaki ng PAF sa pangulo ang maigting na pagbabantay sa mga teritoryo ng bansa partikular ang pagsasagawa ng maritime at air surveillance patrol.

Sa talumpati ng pangulo ay pinuri nya at pinasalamatan ang PAF, sa patuloy na pagsisibli ng tapat sa bansa.

Sa harap nito nangako sya nang patuloy na suporta sa air force partikular sa pagbili ng mga bagong kagamitan, pagpapatayo ng mga pasilidad at pagkakaloob ng training sa mga sundalo upang lalo pang mapalakas ang kanilang kapabilidad.

Anang pangulo, batid niya na bawat sundalo ay handang mag-alay ng kanilang buhay sa serbisyo, kaya makaaasa ang mga ito ng buong suporta at malasakit mula sa administrasyon.

Una nang inanunsyo ang DND, ang nakatakdang pagbili ng karagdagang 12 unit ng FA50 fighter jets mula sa Korea.

Malaki anila ang maitutulong nito sa pagpapalakas sa air defense ng bansa.

Bukod sa mga FA50, ay  nakahanay din ang plano ng air force na pagbili ng MRF o mga multi role fighter jet.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *