Mental Health Act of 2017, lusot na sa Senado
Lumusot na sa third at final reading ng Senado ang panukalang Mental Health Act of 2017.
Labingsiyam na Senador ang bumoto at walang tumutol nang isalang ang panukala kanina.
Sa ilalim ng panukala ni Senador Risa Hontiveros, inoobliga ang gobyerno na magbigay ng basic mental health services sa lahat ng Regional, Provincial at Tertiary hospitals.
Kabilang na rito ang psychiatric, psychosocial at neurologic services.
Sa datos ng World Health Organization noong 2012, umaabot sa 2558 na mga Pilipino ang nag suicide dahil sa matinding depresyon at problema sa pag iisip.
Ulat ni: Mean Corvera