Mga bata, bumida sa Malabon City sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2024
Kaugnay ng pagdiriwang ng National Children’s Month 2024 ngayong buwan, ay naging bida at nagpakitang gilas ang mga batang mag-aaral sa Lungsod ng Malabon, mula sa 33 Early Childhood Care and Development Centers o ECCD.
Courtesy: Malabon City Government
Sa isang event na ginanap sa Malabon Sports Center, ay nagpamalas ang nakatutuwang mga chikiting ng kanilang husay at talento sa pamamagitan ng espesyal na sayaw.
Courtesy: Malabon City Government
Samantala, iba’t ibang aktibidad din ang inihanda ng pamahalaang lungsod para sa mga bata gaya ng dance and movement activities at story telling sessions.
Courtesy: Malabon City Government
Mayroon ding makukulay na mga booth gaya ng puppet show booth, libre naman ang pagkain sa popcorn booth, waffle booth, at gayundin ang masarap na taho.
Courtesy: Malabon City Government
Sa pangunguna ng alkalde ng lungsod na si Mayor Jeannie Sandoval, ay namahagi rin ng school supplies sa bawat mag-aaral katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Integrated Bar of the Philippines.
Aldrin Puno