Mga delegado mula sa Yokohama National University at UST Graduate School, bumisita sa MMDA

Courtesy: MMDA PIO
Nag-courtesy visit ang mga delegado mula sa Yokohama National University at University of Santo Tomas-Graduate School, sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng kanilang academic field visit.
Malugod silang tinanggap ni MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan, Jr., na nagsabi na ang kanilang pagbisita ay isang patunay ng matibay na pagkakaibigan at samahan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Naging isang magandang pagkakataon ito para sa mga estudyante mula sa Japan upang matuto tungkol sa mandato at serbisyo ng MMDA.
Ibinahagi ng mga kinatawan ng MMDA ang mga patakaran, programa, proyekto, at gawain ng ahensiya, partikular sa traffic management, transportation system, traffic safety educational system, transportation planning at urban design.

Sa pangunguna ng Office of the Assistant General Manager for Planning at Traffic Engineering Office, nagkaroon din ng makabuluhang talakayan ukol sa mga hakbang upang mapabuti ang daloy ng trapiko at pagpapatupad sa batas trapiko; at masiguro ang kaligtasan ng motorista, pedestrian, at iba pang gumagamit ng lansangan sa Metro Manila.

Manny De luna