Taguan ng armas ng mga rebelde, nadiskubre ng militar sa Camarines Norte

Courtesy: Ruel Santelices / PA 16th Infantry "MAGLILINGKOD" Batallion
Isang taguan ng armas ng CPP/NPA ang natagpuan sa Barangay Malatap, Labo, Camarines Norte ng pinagsamang operasyon ng 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion at 85th Infantry (Sandiwa) Battalion, sa ilalim ng 201st Infantry (Kabalikat) Brigade, 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division, Philippine Army.
Nabatid na isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang nagsiwalat ng impormasyon, pagkatapos ay agad na nagsagawa ang mga sundalo ng isang misyon at dito nga tumambad ang mga armas, na konektado sa Platoon Reymark ng Sub-Regional Military Area 4B, Southern Tagalog Regional Party Committee (SRMA-4B, STRPC),

Courtesy: Ruel Santelices / PA 16th Infantry “MAGLILINGKOD” Batallion
Kabilang sa mga nasamsam na armas ay ang :
– Limang (5) M16A1 rifles
– Isang (1) M1 carbine rifle
– Isang (1) shotgun
– Isang (1) rifle grenade
– Limang (5) long magazines
– 340 bala na iba’t ibang kalibre
– Labintatlong (13) improvised explosive devices (IEDs)
– Isang (1) rolyo ng detonating cord
– Apatnapung (40) blasting caps
Ayon kay Lt. Col. Warren Daroy INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion, malaki ang papel na ginampanan ng dating kasapi ng Communist Terrorist Group at ng komunidad sa matagumpay na operasyon.

Courtesy: Ruel Santelices / PA 16th Infantry “MAGLILINGKOD” Batallion
Ito na ang ikatlong malaking taguan ng armas na nadiskubre ng batallion ngayong taon sa Camarines Norte.
Nauna nang nadiskubre ang sampung (10) high-powered firearms (HPFAs) sa Barangay Exciban noong Enero 9, at anim (6)pa sa Barangay Baay noong Pebrero 13.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion sa mga natitirang kasapi ng Communist Terrorist Group na sumuko at magbalik-loob sa Pamahalaan.
May mga programa ang gobyerno upang tulungan ang mga nais magbagong-buhay at makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan sa lalawigan ng Camarines Norte.
Aldrin Puno