Mga kawani at opisyal ng Supreme Court nanawagan na rin sa pagbibitiw ni Chief Justice Sereno

Nanawagan na rin ang mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema na magbitiw na kaagad si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay batay sa tatlong pahinang open letter ng mga concerned officials and employees ng Supreme Court na umiikot sa Korte Suprema bago pa man ang SC en banc session kung saan pinuwersa ng mga mahistrado na mag-indefinite leave si Sereno.

Ayon sa sulat ng mga opisyal at kawani ng Supreme Court, dapat nang mag-resign sa lalong madaling panahon si Sereno dahil na rin sa mga ebidensya at testimonya na nabunyag sa mga pagdinig ng kamara sa impeachment complaint laban sa Chief Justice.

Partikular na rito ang hindi paghahain ni Sereno ng saln na paglabag sa saligang batas, paglabag sa internal rules at pagiging collegial body ng Korte Suprema, paulit-ulit na paglabag sa procurement laws, pagpapakita ng karangyaan, at pagmanipula at pakikialam sa JBC para sa sariling interes.

Dahil anila sa mga nasiwalat sa impeachment hearing ay nalagay sa katanungan ang integridad at kakayanan ni Sereno bilang punong mahistrado.

Sinabi pa ng mga opisyal at empleyado na hindi na nila kayang manahimik dahil nalulubog sa kahihiyan ang hudikatura sa bawat lumilipas na mga araw.

Tahasan pang inihayag ng mga sc officials at employees ang kawalan nila ng tiwala, paniniwala at kumpiyansa kay Sereno kaya dapat na itong magbitiw ngayon sa posisyon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *