Mga motorsiklong may angkas na menor de edad, huhulihin na – MMDA
Ngayong araw na ito ng Biyernes mahigpit nang ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority, Department of Transportation at Land Transportation Office ang Republic Act 10666 o Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015 na nagbabawal sa mga bata o menor de edad na umangkas sa motorsiklo.
Sa kabila ng matagal nang umiiral na batas, seryoso na ngayon ang MMDA sa panghuhuli sa mga motorsiklo na may angkas na menor de edad sa Metro Manila.
Noon pang 2015 pa nagpalabas ng ordinansa ang bawat lokal na pamahalaan para ipatupad ang nasabing batas subalit hindi ito nasubaybayan at natutukan nang maayos.
Ayon pa sa MMDA, sa unang paglabag ay nasa ₱3,000.00 ang multa, ₱5,000.00 sa ikalawang paglabag at ₱10,000.00 sa ikatlong paglabag kasama ang suspensyon ng lisensiya ng ilang buwan at kapag nakatatlong paglabag na ay revocation ng lisensiya na ang parusa.
Giit ng MMDA, ang DOTr at LTO ang mamumunong ahensiya sa pagpapatupad ng naturang batas trapiko at deputize lamang angMMDA, Philippine National Police at Local Government Units.
