Mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa CALABARZON, higit 4.66 milyong katao na

FB_IMG_1630575215081

Lagpas na sa 4.66 milyong indibidwal mula sa CALABARZON ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Sa September 1 na datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, mula sa nasabing bilang ay mahigit 1.77 milyon na ang fully-vaccinated habang halos 2.89 milyon ang nakatanggap na ng unang dose.

Pinakamarami sa mga nakakumpleto ng bakuna ang mula sa Cavite na mahigit 503,000 katao na katumbas ng 17% ng target population para makamit ang herd immunity sa lalawigan.

Sa ngayon ay umaabot na sa 6,236,106 ang alokasyon ng anti-COVID vaccines ang natatanggap ng Region IV-A.

Ang CoronaVac ang pinakamarami na naibigay sa rehiyon na mahigit 3.5 milyong doses.

Nakatanggap na rin ang CALABARZON ng COVID vaccines ng Sinopharm na umaabot sa 169,960 doses.

Moira Encina