Mga pasaherong papasok at palabas ng Samal Island, na-stranded sa Sta. Ana Wharf at Sasa Wharf sa Davao City

0

Na-stranded kagabi ang maraming pasahero sa Sta. Ana Wharf at Sasa Wharf sa Davao City, kasunod ng pagsuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng PAG-ASA, sa lahat ng biyahe ng barge at bangka papunta ng Davao City at pabalik ng Island Garden City of Samal o IGACOS dahil sa bagyong Basyang.

Kaugnay nito ay agad na namahagi ng food packs at inuming tubig ang pamahalaang lungsod ng Samal sa mga na-stranded sa DavsAm Port, matapos masuspinde ang mga biyahe.

Ayon kay Samal Island Mayor Lemuel Toto Reyes, bagama’t naaawa sila sa kalagayan ng mga pasaherong nahihirapan sa paghihintay sa susunod na mga biyahe ay wala umano silang magagawa, dahil mas kailangang sundin ang opisyal na advisory ng PCG at PAGASA upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pasahero at ng mga tripulante.

Samantala, madaling araw na nitong Biyernes, February 06 ay wala pa ring inilabas na travel advisory kung kaya’t ang iba ay makikitang nakahiga na lamang sa mga semento, habang naghihintay.

Samantala, namamalagi namang suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa isla bunsod pa rin ng bagyong Basyang.

Haydee Jipolan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *