Military officials ng India at Pakistan, pag-uusapan ang mga susunod na hakbang habang umiiral ang ceasefire

0
photo_2025-05-12_13-03-40

A man stands amidst the debris on the roof of a damaged house, following Pakistan’s military operation against India, in Rehari, Jammu, May 10, 2025. REUTERS/Adnan Abidi

Pag-uusapan ng military operations chiefs ng India at Pakistan ang susunod na mga hakbang, makaraang magkasundo para sa isang ceasefire kasunod nang matindi nilang labanan sa halos tatlong dekada.

Sa nagdaang magdamag ay walang nabalitang mga pagsabog, pagkatapos ng ilang naunang paglabag sa tigil-putukan, kung saan sinabi ng Indian Army na ito ang unang payapang gabi sa nakalipas na mga araw, ngunit namalagi pa ring sarado ang ilang mga paaralan.

Ang tigil-putukan noong Sabado sa Himalayan region, na inanunsiyo ni U.S. President Donald Trump, ay kasunod nang apat na araw na matinding labanan, diplomasya at pressure mula sa Washington.

Sinabi ng foreign ministry ng India, na ang director generals ng military operations ng magkabilang panig ay mag-uusap, bagama’t wala pang komento ang Pakistan sa planong pagtawag sa telepono.

Una nang itinanggi ng Pakistan ang akusasyon ng India nang paglabag sa ceasefire, maging ang umano’y pag-atake nila na ikinamatay ng 26 na mga turista na naging sanhi nang pagganti ng India at pag-atake sa siyam na anila’y terrorist infrasturcture sa Pakistan at Pakistan Kashmir noong Miyerkoles, kaya nanawagan sila ng isang neutral investigation.

Bagama’t nagpasalamat ang Pakistan sa Washington sa pag-facilitate sa ceasefire at tinanggap din nila ang alok ni U.S. President Donald Trump na mamagitan sa hidwaan, hindi nagkomento ang India sa involvement ng U.S. sa truce at pag-uusap sa isang neutral site.

Samantala, ang India, na nagsabing ang hidwaan nila ng Pakistan ay dapat direktang resolbahin ng magkabilang panig, ay tumanggi sa involvement ng third party.

Ang Hindu-majority India at Muslim Pakistan ay kapwa namumuno sa bahagi ng Himalayan region ng Kashmir, ngunit kapwa rin nila ito inaangkin ng buo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *