Milyong halaga ng makinaryang pambukid ipinamahagi sa mga katutubong Mangyan
Mahigit isang milyong pisong halaga ng makinaryang pambukid ang ipinamahagi ng Department of Agriculture-Special area for Agricultural Development (SAAD) sa mga katutubo sa San Jose, Occidental Mindoro.
Nasa 100 mga magsasaka na kabilang sa dalawang samahan ng mga katutubong Buhid Mangyan ang mga beneficiaries ng naturang makinaryang pambukid.
Ayon sa DA-SAAD, ang pamamahagi ng naturang makinaryang pambukid ay bahagi ng Mechanization at Modernization program ng DA upang matulungan ang mga magsasaka lalo na ang mga kanayunan sa bansa.
Kabilang sa mga makinaryang tinaggap ng mga magsasakang katutubo sa nabanggit na lalawigan ay hand tractors with trailer at pump engine.
Belle Surara
Please follow and like us: