60 pamilya nawalan ng bahay sa sunog Tundo

Aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos magkasunog na naman sa Parola compound sa Tundo, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Manila, nagsimula ang sunog 12:22 ng tanghali at mabilis itong iniakyat sa 3rd alarm bandang 12:24pm

Makalipas ang 1 oras ay agad din namang naapula ang apoy at idineklarang fire out bandang 1:32pm.

Sa pagtaya ng BFP, nasa 30 bahay ang naramay sa sunog.

Sa inisyal na pagtaya, nasa 70 libo ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian ng nangyaring sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa pinagsimulan ng apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Madz Villar-Muratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *