MRT3 magdadagdag na ng tren bago matapos ang taon

0
mrt hearing

Posibleng makapagsakay na ng mas maraming pasahero ang MRT bago matapos ang taon.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senadora  Grace Poe, sinabi ni engineer Deo Manalo, Director for Operations ng MRT3 na target nilang maitaas sa 700 thousand ang bilang ng mga pasahero kada araw mula sa kasalukuyang 600 thousand.

Hindi pa sila makapagdagdag ng tren dahil kulang ang suplay ng kuryente at ang kanilang nakukuhang suplay ay sapat lang para sa dalawampung tren.

Inaasahan aniya nilang matatapos sa Nobyembre ang ginagawang power upgrade para ma-accommodate ang mas marami pang tren.

Sa pagdinig, kinastigo naman ni Poe ang pamunuan ng MRT dahil sa paulit-ulit na kapalpakan at pagkasira ng mga tren.

Kwestyon ni Poe, saan napunta ang fare increase na kinuha sa mga mananakay gayong hindi naman maayos ang serbisyo ng mga tren.

“Hindi ba’t buwis nila ang pinambabayad sa pag-aayos at pagmementena ng mga tren at pagbili sa mga bagong mga bagon? Kung ganun, e di dapat masulit naman ang pinambabayad nila”. – Sen. Poe

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *