MYRC Compound sa Maynila sorpresang ininspeksiyon ni MDWD Director Jay Dela Fuente

0

Courtesy : PIO Manila

Personal na nagsagawa ng sorpresang night inspection si Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Dela Fuente, sa Manila Youth Reception Center (MYRC) compound sa Arroceroz, Maynila.

Layunin ng nasabing  inspeksiyon ang matiyak na malinis ang nasabing pasilidad, may kaaya-ayang kapaligiran, may sistema at maayos na opisina, alinsunod na rin sa programang ipinatutupad ni Manila Mayor Isko Moreno.

Tiningnan din nito ang mga kabataan sa loob ng MYRC kasabay ng pagsisiyasat sa supplies tulad ng bigas, upang masiguro na handa ang departamento sa pag-agapay sa mga Manileño at mga kabataan na kasalukuyang nasa kanilang pangangalaga.

Manny De luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *