NBI hiniling na ma-isyuhan ng precautionary hold departure order ang mga opisyal ng Socorro Bayanihan Services Inc.

Nais ng National Bureau of Investigation (NBI) na magpalabas ang korte ng precautionary hold departure order (PHDO) laban sa mga opisyal ng Socorro Bayanihan Services Incorporated na nahaharap sa mga patung-patong na reklamong kriminal.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), naghain ng mosyon ang NBI sa clarificatory hearing ng kagawaran para hilingin ng piskalya sa hukuman na maisyuhan ng PHDO ang mga inirereklamong opisyal ng Socorro.

Ang PHDO ay isang kautusan ng regional trial courts na nag-aatas sa Bureau of Immigration (BI) na pagbawalang makaalis ng bansa ang mga taong hinihinalang nakagawa ng krimen kahit nasa preliminary investigation pa lang ng piskalya ang kaso.

Samantala, nagsumite rin ang NBI ng mga karagdagang ebidensya laban sa respondents sa pagdinig sa DOJ.

Sinabi ng DOJ na in-adopt ng NBI ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights laban sa Socorro group.

Itinakda ng panel of prosecutora ang susunod na hearing sa October 20.

Inaasahan na maghahain sa nasabing pagdinig ang kampo nina Jey Rence Quilario alyas Senior Agila at iba pang opisyal ng Socorro Bayanihan ng supplemental counter-affidavits sa mga reklamo at ng oposisyon sa hirit na PHDO laban sa mga ito.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *