P197-M shabu nasabat ng PDEA sa Parañaque; 2 arestado


Photo courtesy PDEA
Nakasabat ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ng 29 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P197.2 milyon mula sa dalawang indibidwal, sa isang buy-bust sa Parañaque City nitong weekend.
Sinabi ng PDEA, na ang mga suspek na nakilalang si alias “Jalil,” 44, at “Gracia,” 36, at kapwa mga residente ng Cebu City, ay nahuli sa isang exclusive subdivision.
Nasabat sa mga ito ang 29 na aluminum foil packs na may label na “freeze-dried durian” na nakasulat sa Chinese characters, na bawat isa ay naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, na bawat isa ay tumitimbang ng isang kilo.
AGRI SEGMENT —– D.A.- PHILFIDA NAGSAGAWA NG PAGSASANAY SA PRODUKSYON NG SALAGO AT SISAL (IMGA KATUTUBONG HIBLA O FIBER)Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang mobile phones, buy-bust money, at isang pink na paper bag na ginamit sa transaksiyon.
Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng PDEA, habang inihahanda naman ang mga kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) at Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanila.
PNA