P2-M halaga ng marijuana nasabat sa buy-bust operation sa Marikina

0

Courtesy:  EPD PIO

Arestado sa buy-bust operation ng Marikina CPS Drug Enforcement Unit sa Barangay Nangka, Marikina City, ang isang 22-anyos na babae na nakilalang si alyas “Luna,” na kabilang sa High-Value Individual (HVI).

Courtesy:  EPD PIO

Ang suspek, kasama ang apat na iba pa, ay dati nang nahuli ng SDEU Marikina CPS sa kaparehong paglabag na kinasasangkutan ng iligal na droga noong August 2018 sa Golden Valle, Subdivision, Malanday, Marikina City.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 18,100 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,172,000.00, at narekober ang buy-bust money na binubuo ng dalawang pirasong one-thousand peso bill.

Dinala ang naarestong suspek sa Marikina City Police Station para sa imbestigasyon at dokumentasyon.

Archie Amado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *