P28-M halaga ng mga smuggled na sigarilyo nasabat, Chinese at kasabwat na Pinoy arestado

Nasabat ang P28,000,000 halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo sa buy-bust operation ng mga pulis sa Trece Martires Component City, Cavite
Natagpuan ang 800 na mga master case ng sigarilyo na naka-imbak sa loob ng isang wing van.
Nahuli sa operasyon ang dalawang lalaki, na kinabibilangan ng isang Chinese national at isang Pilipino.

Bukod sa mga kontrabando, narekober din ang P140,000 na halaga ng buy-bust money, P1.4 million cash na kinita umano mula sa mga smuggled na sigarilyo, mga cellphone, resibo ng transaksyon sa bangko, at ID.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at RA 10643 (Graphic Health Warning Law).
Manny De luna