Pabrika ng Tela nasunog kaninang umaga sa Carmona Cavite

FB_IMG_1620735768614

Nasunog ang isang pabrika ng tela kaninang umaga sa Brgy. Maduya, Carmona Cavite.

photo courtesy: Brgy. Cabilang Baybay, Carmona Cavite

Nagsimula ang sunog pasado alas 9 ng umaga kanina.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero sa pinangyarihan ng sunog.

Idineklara namang fireout ang sunog bago magtanghali.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang posibleng naging sanhi ng sunog.

Masuwerte namang walang nasaktan at namatay sa naganap na sunog sa Carmona, Cavite.