Pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa SWS survey ikinatuwa ng Malakanyang

0
jobless

Ipinagmalaki ng Malacanang ang resulta ng pinakahuling Social Weather Station survey na nagsasabing bumaba ang bilang ng mga Filipino adults na walang trabaho.

Sa naturang survey na isinagawa noong Marso, bumaba sa 22.9% ang adult joblessness rate, 2.2% na mas mababa sa 25.1% rating noong nakaraang Disyembre 2016.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isa itong kahayagan ng pagsisikap ng administrasyong Duterte na mapanatili ang tinatamasang paglago ng ekonomiya.

Inaasahan na aniya ng gobyerno ang patuloy na pagbaba ng unemployment rate bunga ng mas pinalakas na pamumuhunan ng pamahalaan sa larangan ng imprasktraktura.

Sa tulong ng build-build-build campaign ng pamahalaan, matatamasa ng bansa ang tinatawag na “golden age of infrastructure” na magbubunga naman ng milyung-milyong trabaho sa susunod na limang taon.

Idinagdag pa ni Abella, sa oras na matapos naman ang mga infrastructure projects, magreresulta naman ito sa mas mabilis na daloy ng kalakalan na papabor din sa pabuti ng ekonomiya.

“The latest Social Weather Stations (SWS) survey showing adult joblessness at 22.9% in March 2017, which is 2.2% below the 25.1% last December 2016, is an affirmation of the significant strides of the Duterte administration in sustaining the country’s robust economic growth and making it inclusive”. – Abella

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *