Pagdedeklara ng Martial Law planado daw ni Pangulong Duterte

0
digo

Planado ni Pangulong Duterte na magdeklara ng Martial Law kahit hindi nangyari ang pag-atake sa Marawi City.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, ang Marawi siege lang ang ginawang batayan ng Pangulo para maideklara ang matagal na nitong plano ng magdeklara ng batas militar sa Mindanao.

Iginiit ng Senador na kahit walang Martial Law, kontrolado ng militar ang sitwasyon sa nasabing rehiyon.

Inihalimbawa ng Senador ang matinding krisis na kinaharap ng militar nang magsagawa ng all out war laban sa mga bandidong Abu Sayaff noong panahon ni dating Pangulong Estrada at Zamboanga siege noong Aquino administration pero hindi kinailangang magdeklara ng Martial Law.

Pero hihintayin pa rin ni Trillanes ang paliwanag mamayang hapon ng security officials na magsasagawa ng briefing sa Senado at ibabatay dito kung maghahain ng petisyon para ipatigil ang Martial Law.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *