Pagdinig sa mga reklamo laban kay VP Sara hindi aabandonahin ng Senado

0
photo_2025-05-30_13-49-41

Hindi aabandonahin ng Senado ang pagdinig sa mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang tiniyak ni Senate President pro tempore Jinggoy Estrada, matapos magdesisyon ang liderato ng Senado na ipagpaliban sa June 11 ang pagbasa ng Articles of Impeachment, sa halip na sa naunang schedule na June 2.

Katwiran ni Estrada, may basehan si Senare President Francis Escudero na unahin ang pagpapatibay sa mga nakapending na panukalang batas dahil ito naman talaga ang pangunahing mandato ng Senado para sa kapakanan ng taumbayan.

Senate President pro tempore Jinggoy Estrada / Photo: Senate of the Philippines

Hindi naman aniya maaapektuhan ang kanilang itinakdang timetable dahil sa July 30 pa naman talaga ang pormal na pagsisimula nang paglilitis.

Bahagi rin aniya ito ng kanilang constitutional duty, kaya nga nagdesisyon ang Senate leadership na magdaos ng impeachment trial sa umaga at sesyon naman ng Senado tuwing alas tres ng hapon.

Sabi ni Estrada, nagga-grandstanding lang ang mga nagpapalutang na hindi na tuloy ang impeachment trial matapos iurong ang petsa ng pre-trial.

Maaari lang aniyang itigil ng Senado ang kanilang proceedings kung maglalabas ng desisyon ang Korte Suprema pabor sa kampo ni Duterte.

Ayon kay Estrada, “Nagga-grandstanding lang yan naniniwala na lang lagi siya sa chismis, and we are not going to abandon our constitutional duty to hear the impeachment case against the Vice Pres. Marami kasing priority bills na kailangan i-tackle at kailangan ma-approve ng Senado saka nung House of Representatives. Kailangan natin aprubahan yung mga panukalang batas that will give benefit to our people, siyempre that will take precedence.”

Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *