Paggunita sa National Flag Day, ipinaalala ng pamahalaan

0
1

Sa harap ng mga kaguluhan sa Mindanao at tangkang paglalagay ng bandila ng mga terorista sa Marawi City, hinikayat ng pamahalaan ang publiko na maglagay ng watawat  sa mga gusali at tahanan bilang paggunita sa National Flag Day ngayong araw, May 28.

Sa pamamagitan ng Proclamation no. 374 na nilagdaan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal noong 1965, itinakda ang Mayo 28 bilang Pambansang araw ng watawat habang sa pamamagitan naman ng Executive Order no. 179 na ipinalabas ni dating Pangulong Fidel Ramos, nakasaad na dapat maglagay ng watawat sa mga pampubliko at pribadong gusali simula Mayo 28 hanggang sa araw ng kalayaan sa Hunyo 12 kada taon.

Ito ay bilang pagpapakita ng pagka-Makabayan.

 

Sa kasaysayan, ang petsang Mayo 28 ay ang tinaguriang Battle of Alapan kung saan dito unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas matapos magapi ng tropa ni Heneral Emilio Aguinaldo ang  mga Kastila noong 1898 at itinuring na first military victory ni Aguinaldo matapos ang kanyang exile sa Hongkong.

Pormal namang idineklara ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 kung saan itinaas rin ang watawat ng Pilipinas sa balkonahe ng tahanan ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *