Pagsisiksikan sa mga kulungan pangunahing problema pa rin ng BJMP

0
SirBarretto

Pangunahing problema pa rin ng  Bureau of Jail Management and Penology o BJMP  ang mga overcrowded na kulungan sa bansa

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni BJMP Chief Serafin Barretto Jr. nakadagdag sa jail congestion ang kampanya ng pamahalaan kontra sa illegal na droga

Inihayag pa ni Barreto na bagaman tumataas ang bilang ng mga nabibilanggo ay hindi naman ito dahilanpara itigil ang pagdetine sa mga lumalabag sa batas.

Dagdag pa ni Barreto , gumagawa naman ng programa ang BJMP para agad mapalaya ang ibang nakabilanggo lalo na ang napawalang sala subalit nananatili sa kulungan dahil walang pampiyansa .

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *