Pagtatakip ng license plate, labag sa Traffic Code at may kaukulang multa – MMDA

Photo: MMDA
Mula nang ipatupad ang No Contact Apprehension Policy o (NCAP), namomonitor at naireport sa MMDA ang iba’t ibang klase ng paraan para takpan, itago, at i-tamper ang bahagi o buong plaka ng motorized vehicles upang iwasang makunan ng CCTV cameras at makaiwas sa polisiya.
Ayon sa MMDA, ilan sa mga paraang ito ay ang pagdidikit ng packing tape, masking tape, tela, face mask, at kung ano-ano pa sa plaka.
Sinabi ng MMDA, na bawal din ang paglalagay ng accessory o device sa ano mang bahagi ng plaka na maaaring maging dahilan upang hindi makita ng malinaw ang plaka.
Ang sinumang gagawa nito ay huhulihin ng traffic enforcers at pagmumultahin ng limang libong piso.
Archie Amado