Panganib ng baha nagbabanta sa isang Swiss Valley makaraang malibing ng landslide ang isang village

A satellite image shows Blatten after a glacier in the Swiss Alps partially collapsed and tumbled onto the village, in Blatten, Switzerland May 29, 2025. Maxar Technologies/Handout via REUTERS
Nag-trigger ng paglalabas ng mga babala na maaaring magkaroon pa ng mga paglikas sa gitna ng panganib nang pagbaha sa Alpine valley.
Ito’y matapos na malibing ang isang village ng landslide ng magkasamang tubig at glacial debris, na naging sanhi rin upang maharangan ang isang ilog sa southern Switzerland.

A satellite image shows destroyed houses and blocked Ionza River, after a glacier in the Swiss Alps partially collapsed and tumbled onto the village, in Blatten, Switzerland May 29, 2025. Maxar Technologies/Handout via REUTERS
Isang delubyo ng milyun-milyong metro kubiko ng yelo, putik at bato ang bumagsak sa isang bundok noong Miyerkules, na lumamon sa nayon ng Blatten, at ang ilang mga bahay na naiwan ay binaha.
Ang 300 residente nito ay inilikas sa mga unang bahagi ng Mayo, matapos magsimulang gumuho ang bahagi ng bundok sa likod ng Birch Glacier.

Mud and rocks slide down a mountain after a glacier partially collapsed covering most of the village of Blatten, Switzerland May 28, 2025, in this screen grab taken from a handout video. Pomona Media/Handout via REUTERS
Tumaas ang tubig-baha nitong Huwebes, habang bumara naman sa daluyan ng River Lonza ang kulumpon ng debris na halos 2 km (1.2 miles), sanhi upang isang lawa ang mabuo sa gitna ng wreckage, na nagdulot ng pagkabahala na mawala ang morass at mag-trigger ng mas marami pang paglikas.
Huwebes ng gabi nang himukin ng mga lokal na awtoridad ang mga residente sa Gampel at Steg, mga village na ilang kilometro sa bandang dulo ng Lonza Valley, na maghanda para sa posibleng paglikas sakaling magkaroon ng emergency.

Debris and dust from a crumbling glacier that partially collapsed and tumbled onto the village of Blatten, Switzerland, May 29. Rescue teams with search dogs and thermal drone scans have continued looking for a missing 64-year-old man but have found nothing. Local police suspended the search on Thursday afternoon, saying the debris mounds were too unstable for now. REUTERS/Stefan Wermuth
Naka-standby din ang army kasama ng kanilang water pumps, diggers at iba pang heavy equipment upang tumulong sakaling kailanganin.
Hinahanap naman ng rescue teams ang isang 64-anyos na lalaking nawala mula nang mangyari ang landslide.
Ipinagpaliban ng mga lokal na awtoridad ang search operation nitong Huwebes ng hapon, dahil masyadong unstable ang debris sa ngayon at nagbabala ng pagkakaroon pang muli ng pagguho ng mga bato.

A few remaining houses are seen after a massive rock and ice slide covered most of the village of Blatten, Switzerland May 29, 2025. REUTERS/Stefan Wermuth
Nahirapan naman ang mga residente na tanggapin ang lawak ng pinsalang dulot ng delubyo, isang pangyayari na sa hinala ng mga siyentipiko ay isang dramatikong halimbawa ng epekto ng climate change sa Alps.