Pagtulong ng MILF sa pagresolba sa gulo sa Marawi City apubado na ni Pangulong Duterte
Pinayagan na ni Pangulong Duterte ang gagawing pagtulong ng Moro Islamic Liberation Front o MILF para maresolba at mabigyan ng ayuda ang mga sibilyan na naiipit sa bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa Mindanao Hour sa Malakanyang na nagkaroon ng kasunduan ang gobyerno at MILF na magtatag ng Peace Corridor upang mapabilis ang pagbibigay ng humanitarian aidcsa mga naiipit na sibilyan sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Abella ang pagtatatag ng Peace Corridor ang bunga na pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa mga matataas na opisyal ng MILF kasama ang peace panel ng gobyerno.
Inihayag ni Abella na itinalaga ni Pangulong Duterte si Irene Santiago Chairperson ng Government Implementing Peace Panel para pangasiwaan ang Peace Corridor na maaring takbuhan ng mga apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Niliwanag ni Abella na mismong si Pangulong Duterte ang nanawagan sa MILF, MNLF at maging sa NPA na tumulong sa pagbibigay ng solusyon sa problema sa Marawi City na nililigalig ng Maute group.
Ulat ni: Vic Somintac